beware of kibitzers around. they are just at your back. watching. stalking. or even writing.


up on the kibitzer's eyes
   

<< February 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29


I am a kibitzer
An egoistic myth
Pal of busy bodies
Phantom of the unconscious
Stalker in dark alleys
Critic of social culprit


QUICK LINKS
my public profile
UMYFP website
donate now!
from the president's pen
she is a lifesharer
let's learn ilocano


ARCHIVES
(Recent Posts)
Kibitzer's Letter to the Timid
Random Thoughts
A 3-hr Detention
My Cabalen Experience
Ang Pakikipagsapalaran ni Miyo
Kurot sa Puso
God knows JUDAS not pay
Albeit
Dunong at Dalita



NASAAN?

Nasaan?
Nasaan ang pag-ibig?
Ako ba ay bulag?
O sadyang bulag lamang ang pag-ibig?

Bigyan ako ng kahit na kaunting awa!
Nang maranasan ko namang ibigin
Kahit na dahil sa awa lang
Alam ko mamahalin mo rin ako

Kanina pa ako nagpapapansin sa’yo
Di mo ba nararamdaman?
O sadyang manhid ka lang?
Hoy, ano?!?

Mahal kaya kita, di mo ba alam?



Prayer for the Youth
(Aired live at Hardin ng Panalangin, Kaagapay ng Sambayanan Radio DZAS 702 on May 29, 2008 at 6:30a.m. You may log on to www.febc.ph)

Oh God of Timothy and Jeremiah, we thank you for the gift of life that opens an opportunity to embrace the beauty of your creation. We feel Your presence in the songs of birds and the sounds of wiggling trees. We feel the warmth of your love in the humble heart of every youth. Dear father, we have proven your faithfulness through the years – since the time of our forefathers up to this time that we are facing many challenges in our church and in our community. Thank you for inspiring our generation to stand out for your honor and glory.

Salamat po sa buhay ng maraming kabataan na patuloy mong ginagamit sa iba’t ibang uri ng paglilingkod para sa iyong ministeryo. Iba’t iba man ang aming mga pangalan at katayuan, kami ay sumasamba at naglilingkod sa iisang Diyos na buhay. Diyos na patuloy at tapat na kumakalinga sa Kanyang mga anak. Hiling po namin na patuloy mo kaming pagpalain at nawa’y maging pagpapala din naman kami sa iba . Gawin mong sagana ang buhay ng bawat kabataan, samahan sila sa kanilang mga paglilingkod at pangunguna. Ang iba man ay nakararanas ng panghahamak dahil sa kanilang pagiging kabataan, hayaan mo po na ang katarungan mo ang s’yang manaig. Makita sa amin hindi ang pagiging bata at mahina, kung hindi ang kakayahan na tumayo sa kung ano ang tama at matuwid. Pagalingin mo po ang mga kapatid namin na may karamdaman at bigat na dinadala dulot ng maraming problema. Sa kabila ng maraming kaguluhan, ang inyo pong pag-ibig at kapayapaan ang patuloy na maghari sa bawat puso.

Pagpalain mo rin po ang aming mga magulang at pamilya. Maging instrumento sila sa paggabay sa aming paglaki, sa pagtugon sa aming mga pangangailangan at paghubog bilang mga responsableng Pilipino at Kristiyano. Gabayan mo po ang mga kabataang studyante, bigyan mo sila ng sapat na katalinuhan at katapatan sa kanilang pag-aaral. Maging ang mga kabataang naghahanapbuhay, lalong higit sila na nasa ibang bansa. Maging larawan po kami ng inyong kapakumbabaan at kahusayan sa lahat ng aming ginagawa at nakakasalamuha araw-araw. At higit sa lahat, magkaroon nawa ng katuparan ang aming maliliit at malalaking mga pangarap hindi lamang para sa aming sarili at pamilya kung hindi maging para sa aming kapwa.

Pawiin nawa ng iyong pag-ibig ang puot at galit. Kung mayroong nasasaktan, ang kalinga mo ang kumupkop sa kanila. Magkaroon ng kasiguruhan ang mga naliligaw at naguguluhan sapagkat alam naming tapat ka sa iyong mga pangako. Bigyan mo ng katarungan ang mga naaapi at naghihirap. Magkaroon ng pagkain ang mga nagugutom. At pag-asa sa mga nawawalan ng loob.

We pray for our church, Oh Lord, continue to help us to do justice and walk humbly in your light. Bless our church workers and leaders, especially the youths, that we may be united not only with Christ but also with one another. Let your words be always upon our lips that we may speak of blessings upon blessings. Forgive us Lord for many times that we have been insensitive to the needs of others and to the present realities that are affecting all of us.

We pray for our beloved Philippines; for our leaders and our people. We pray that you would continue to inspire us to share your love and compassion, that we may be able to make a positive difference in this world. Let you heart be our heart, that we may be able to love even the least and the poor. Your eyes be our eyes that we may see the needs of others and see light even in the darkness. Your hands be our hands that we may be able to do good and share what we have. And you feet be our feet, that we may be able to finish the race and take our own cross.

Lord, let the transformation of this nation start with us, your children. Let worship be a way of life. That everybody may see in us not the world but your kingdom. Lord, we are the youths, your sons and daughters. Bless our generation and the generations that succeed us. Help us to live a life like Jesus.

This is our prayer in the God of all youths, in the mighty name

of Jesus Christ. Amen


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Thursday, February 07, 2008
Ang Pakikipagsapalaran ni Miyo (A Sequel)

Ang mga sumusunod na kwento ay likhang-isip lamang. Sadyang ginawa para aliwin ang mga loveless na tulad ko, pero pwede rin para sa mga bitter o sa sinumang nagbabalak makipag-break sa kasalukuyang karelasyon!

 

MGA TAUHAN:

 

Miyo:              Sugo ni Apong Lakay sa sanlibutan na may misyong sagipin ang mga kabataang naliligaw ng landas. S'yempre siya ang bida sa ating kwento. Kung hindi mo pa s'ya kilala o ang sinuman sa kanyang mga kauri, malamang eh matagal-tagal ng napapariwara ang buhay mo. Peace tayo!

 

Zaido:              Sila ang grupo ng mga pulis-pangkalawakan. Matataas ang lipad. Minsan na rin silang sumanib sa pangkat ni Miyo subalit umalis din dahil napaglipasan ng panahon. Ngayon, kabilang na sila sa matataas at makapangyarihang uri. Hindi sila ganap na kakampi pero hindi rin naman maituturing na mga kaaway. Hindi ko lang alam kong kaano-ano nila si Volta!

 

Palos:              Mabilis! Mula sila sa madidilim na taon sa kasaysayan ng angkan ng ating bida. Wala ako masyadong masabi sa kanila. Tingnan na lang natin kung ano ang naging bahagi nila sa kwento at kung paano nila hinugis ang kapalaran ni Miyo.

 

Pedro Penduko: Kapatid niya sina Padre at Petra Penduko. Makapangyarihan silang tatlo sa kani-kanilang mga kaharian. Ang isa ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng globo samantalang ang isa naman ay nasa lugar kung saan maraming lumilipad na ligaw na bala. Si Pedro? Ayun at pakalat-kalat lang, maaaari mo siyang makasakay sa dyip patungong Baclaran!Hekhek

 

Kung Fu Kids: Sila ang mga maliliksi at matatalinong mga bata na sumusunod sa yapak ni Miyo. Bukas ang isipan sa maraming bagay at sa lahat ng nangyayari sa paligid sa kabila ng murang edad. Dapat silang ingatan dahil kung hindi, baka malinlang sila ng mga tuso!

 

Marimar:        Simbolo siya ng henerasyon ng mga bakla! Kung bakit ganun ang amoy niya? Mas mabuti pa sigurong pag-aralan mo ang alamat ng dagat!

 

Chelsea:         Nyahaha! Isa siyang manikang nagpapanggap na maamo pero siya ang talagang dapat katakutan. It is like a vulture waiting for the right opportunity to grab power. Mabuti pa si Kokey!

 

Imong:            Ano pa nga ba't isang tapat na katiwala doon sa simbahan?! Asawa niya si Imang na isang kampanerang kuba din. They are humble gatekeepers who do not have any other interest but to protect the candle that brings light from the culprits. Dahil sa dami ng ginagawa nilang mag-asawa, hindi nakapagtatakang kasingbigat ng bukol nila sa likod ang mga tungkulin na kanilang pinapasan. (Tanong ko lang, paano nga ba sila matulog maliban sa nakapikit ang mata?)

 

Toink, toink, toink!

 

 

UNANG TAGPO:

 

SA ISANG DIGMAAN…Palos (sinusubok itakas ang isang supot ng kayamanan kasama ang kanyang mga alipores)

   

                        Mio:      Hoy Palos! Bitawan mo iyan kung ayaw mo masaktan at matikman ang lufet ng aking tsuktsaknes!

 

                        Palos:    (Magyayaya ng jak 'en poy. Hindi matitinag. Nakapagtatakang makakatakas…)

 

                        Mio:      (Sisigaw). Ibalik mo 'yan, maawa ka please. Maawa ka!!!!!!!

 

Pero wala siyang magagawa para pigilan ang maitim na balak ni Palos at ng kanyang mga kampon.

 

 

IKALAWANG TAGPO:

 

SA PRESINTO…

 

Zaido:      Hindi natin ito dapat palampasin! Kailangan nating panagutin ang mga salarin. Nakaabot na ang balita sa diyosang nagbibigay ng kayamanan. Kung hindi natin maibabalik iyon, baka tuluyan nila tayong itakwil sa kaharian at itigil nila ang pagbibigay ng mga pagpapala.

 

Pedro Penduko: (Lilitaw ang isang ulap sa isip na may katagang: "mas maganda pa nga yatang itakwil nila tayo para mapadali ang paghiwalay natin sa kanila. Panahon na rin upang tumayo tayo sa ating mga paa! Masarap magkaroon ng oto, noh?)

 

Imong:    (Sasampitaw). Bakit hindi na lang natin sila patawarin? Ipaubaya na natin sa kanila ang kayamanang iyon. Tutal, 'yan naman ang itinuro ni Apong Lakay, ang magpatawad sa mga nagkakasala tulad ng kanyang pagpapatawad sa atin!"

 

Susundan ng walang katapusang diskusyon at imbestigasyon hinggil sa nangyaring krimen. Pero wala ring mangyayari. Mababaon na lamang sa limot ang ginawang pagtangay ni Palos sa yaman ng kaharian.

 

Matapos ang mahabang taon, maisasaayos din ni Mio ang lahat. Tila mababaon na sa limot ang mga nangyari. Unti-unti ding babalik ang tiwala ng diyosa sa buong kaharian at muli silang pagpapalain.

 

 Ayos na sana ang lahat ng biglang…

 

 

IKATLONG TAGPO

 

SA ISANG PAGPUPULONG NG IBA'T IBANG KONSEHO NG KAHARIAN… Nagtatalo ang buong kapulungan hinggil sa mga programa at pagbabagong iminumungkahing ipatupad ni Miyo at ng Kung Fu Kids.

 

Chelsea: Hihihihi…. Hindi dapat payagan ang mga iminumungkahi ni Miyo. Taliwas ito sa mga batas ng ating kaharian. Hindi tayo dapat pasakop sa kanila. Ang mga kabataang tulad nila ay dapat sumunod lang sa utos ng matatanda. Kung hindi, baka tuluyang…. (puputulin ni Miyo ang kanyang pagsasalita)

 

Miyo:     Huwag ninyong pangunahan ang aming kapatiran. Hindi kami papayag na yurakan ninyo ang aming mga karapatan!

 

Kung Fu Kids: (Magbubulungan sa isang sulok. Sabay-sabay sila) Oo nga! Oo nga!

 

Zaido:     Bakit hindi natin sila hayaang gawin ang kanilang gusto? Ipinapahayag ng buong kapulisan ang buong suporta namin sa kanila! Miyo, narito kami para tulungan kayo. Layunin ng aming konseho na makipag-isa sa inyo sa pagpapatupad ng inyong mga programa.

 

Kung Fu Kid: Sa palagay ko, hindi namin kailangan ang inyong konseho. Mayroon kaming sariling pananagutan at nalalaman namin kung ano ang higit na makabubuti para sa amin. Kaya nga layunin naming baguhin ang aming mga batas upang pagandahin ang aming samahan kung hindi man baguhin ang pagkakamali ng aming mga ninuno.

 

Sa gitna na mainit na tensyon sa pagitan ng mga panig ay biglang lilitaw sa gitna si Marimar. Gigiling. Sasayaw.

 

Magri-react ang mga pulis pangkalawakan. Magagalit si Pedro Penduko habang magtatawanan naman ang pangkat ni Chelsea. Mapapaliyad sa gulat si Imong at mapapa-sign of the cross. Matitigilan si Miyo pati na ang mga Kung Fu Kids.

 

Ano kaya ang susunod na magaganap? Magtatagumpay kaya ang kinatatakutang si Chelsea? Eh si Zaido na nais ipailalim si Miyo sa kanilang konseho? Ano na lang ang kapalarang naghihintay sa ating bida at sa kanyang kapatiran?

 

Abangan ang susunod na kabanata ng kanyang pakikipagsapalaran dito lamang sa http://kibitzer.blogdrive.com

 


Posted at 04:38 pm by ismaelfisco
Comments (2)  

Wednesday, January 30, 2008
KUROT SA PUSO

             

"Most Filipino people are hungry now, including me, my stomach is empty and many children are crying because there is no food. Why do poor people suffer and die? There is no chance for them to overcome their fear! If you are concerned, you must be willing to help me find a job. Masaya ka ba na kumakain ka ng masarap tapos kami walang work? Sumasakit ang t'yan namin sa gutom…"

 

Sounds desperate? Well, maybe. These lines came from one of my applicants. Yes, I have been working in the Human Resource Department (HRD) of a recruitment company where unemployment becomes an ordinary face I meet nearly everyday. I rub with the elbows of desperate applicants swarming a single job. I also see how the company terminates an employee. For many times, I just end up saying "meron na namang isang pamilyang magugutom". The feeling is just disheartening as how you see and hear about employees being exploited and deprived of their rights.   

 

 "Habang may nagugutom, mayroong pa ring kawalang hustisya", these lines I heard from the recent bible forum I attended was both a relief and a challenge to me. It is truly undeniable that while many bask and luxuriate themselves in worldly splendor, many families remain homeless, starving and trying to console themselves with endless hope in the midst of poverty. And while people like them have nothing at all, those in the seat of power keep on asking for more.

 

Ironically, the economic growth claimed by the government is never felt by the masses. For the least of the society, house for every family and food in every table are the most basal measures of democracy.

 

It is certainly a dream of everybody to have a lucrative or even at least a simple job that can defray everyday expenses. And in a country like the Philippines where unemployment and underemployment thrive, everybody must be dreaming to leave the country as if it were on fire just for the sake of a greener pasture. Many are forced to go abroad at a very young age.

 

Young people are no excuse in this issue. Not even me. In fact, I also attempted to apply once. I knew it would have been very easy for me since international recruitment is one of our company services and I can say that the best of foreign countries is just a few steps away from me. I would have grabbed those opportunities only if God did not remind me of the path He has prepared ahead of me. I realized my commitment to the young people of our church and all the plans He has perfectly crafted for me.

 

Still pondering…


Posted at 02:13 pm by ismaelfisco
Make a comment  

Tuesday, January 08, 2008
God knows JUDAS not pay

 

Nakatutuwa ang paalalang ito na nabasa ko sa nasakyan kong dyip kaninang umaga. 

 

Ugali nga naman kasi ng ilang pinoy ang hindi magbayad. Dahil dito ay napakaraming mga paalala ang nagagawa ng mga kaibigan nating drayber para tiyakin na magbabayad ang kanilang mga pasahero bago bumaba. Ilan pa sa mga kakat'wang paalalang ito ay "mabangungot sana ang hindi magbayad" o kaya "magbayad ka, mahiya ka naman!"

 

Ang iba sa kanila ay isinasama pa ang misis sa pamamasada para s'yang maningil ng pamasahe. At kapag napaghinalaan kang hindi pa nagbabayad, titignan ka ng matalim mula ulo hanggang paa saka tatalikod at magpaparinig nang "yung mga wala pang bayad d'yan…"

 

Hindi lang sa dyip makikita ang eksenang ito kundi maging sa bus at ilang pampasaherong sasakyan. Kapalit ng kaunting barya ay ipinagkakait ng mga pasahero ang obligasyong moral sa serbisyong tinanggap. Tsk!

 

May hinaing din naman ako sa ilang mga drayber! Ang pinakamababang pamasahe o minimum fare ngayon (sa Maynila) ay P7.50 o higit na mataas sa ibang pampublikong sasakyan. Pero kapag sobra lang ng kaunti ang ibinayad ay hindi na ibinabalik ng ilan sa kanila ang sukli mo. Alam kong halos wala nang halaga ang barya ngayon dahil sa taas ng mga bilihin at bayad sa serbisyo. Nagiging koleksyon na lamang ito sa bahay. Pero hindi ba't dapat pa rin itong maging disiplina sa ating mga tsuper? Ang ilan sa kanila ay masama pa ang loob kapag siningil mo ang iyong sukli.

 

Pa'no kaya kapag tayo namang mga pasahero ang gumawa ng paalala: "makatulog sana habang nagda-drayb ang hindi magbalik ng sukli".

Hay naku mama, para na po d'yan sa tabi!!!


Posted at 08:44 am by ismaelfisco
Make a comment  

Monday, January 07, 2008
ALBEIT.

Upon the horizon I see the hands of yesterday gradually fading…

Through thy mercy illumine the path of today…

Tomorrow is a promise of better fate, so is it…

 

I must be in fantasy where there is confusion of time! Why it seems to be running so fast as in tick of the clock? No holding back, only moving on…The last year was indeed a blast of remarkable stories in my life, so humble as it has always been. Realizing what has become of me is a good deal. Eyes of innocence no more. Yet maturity is still beyond reach. Ergo, so will I talk about my stories and dreams.

 

Never should I be hitting the last year, which underscored significant points in my lifeline. For one, I savored the delightful experience of sharing warmth with someone on the very first day of 2007.  Her love so pure and kind, so unworthy were I. We made promise while sitting on fine sands, then eventually ended up in separate paths.

 

Came along with the fortunes was having finished the painstaking college. My hard toils had paid off with a “laude” attached to my infamous name. It was such a glorious experience. So with the overwhelming congratulations come greater expectations!

 

The stroke of adulthood eventually came in – it was my 7,665th day of existence in the universe. The presence of the entire clan and special friends had surely made it to a great celebration of faith and life. Music was so inviting so thus the night seemed to be never fading. Personal testimonies gripped me into deep narcissism. Thanks for the words of wisdom, anyway!

 

Then uncertainties started to eat up my being. With my hard-earned intellect, I left the rurality of life to earn butter and bread in the city. Life is just like this; you live to work and you work to live. Wrestling with cosmic powers is indeed an ordeal! A survival of the fittest, a lofty  test of faith…

 

Cry out did I! Black omen…so reaped the soul of a great man. I remember my uncle flashing his sweet smiles. Sorry for not being able to reciprocate to thy goodness. Thank thee for the generosity and genuine kindness.

 

These and all cannot find enough space on this page. Many seemed to have happened in one year time. But what will be in the morrow, I always ask. Today we live, tomorrow blows the wind of weariness.

 

And while many things happen in my personal life, there these societal challenges standing before us. Time is subtle. There is obscurity of life. No perfect freedom. The earth is screaming like a laboring mom. The journey seems to be endless. Lesser justice. Greater animosity. Political hullabaloos. Nostalgic economy. Hungry stomach. Homeless citizens. Alienation in the own land. And so…


This year must promise greater responsibilities. As a Christian. As a citizen. As a man.

 

Oh God, sustain my inadequate strength. From the path of righteousness don’t have me astray. Help me work out…live. Not for personal sustenance. But for your kingdom to manifest in humankind. I know perfect am I not. But let me just be sailing with you, albeit.

Posted at 11:22 am by ismaelfisco
Make a comment  

Wednesday, October 24, 2007
Dunong at Dalita

<Ngumunguya ng bubblegum…>

 

Matataas na mga punong kahoy na natatakpan ng madidilim na ulap.

Ito ang larawan ng pangarap.

Patuloy ako sa pagtakbo sa ilalim niyon.

Walang katapusang pagtakbo.

Nauuhaw ako.

Maya-maya'y matitisod. Madadapa.

Pero babangon din. Magpapatuloy...

Nagmamadali ang lahat ng mga tao.

Nagtatakbuhan na tila mahuhuli sa byahe patungo sa kung anong dimensyon.

Gusto ko silang sabayan.

Subalit magkakaiba kami ng bilis.

Nang haba ng mga paa.

Nang mga sandata.

Nang mga bigat na hinihila...

Maralita ako kung tawagin.

Salat sa kayamanan.

Hindi sa dunong at prinsipyo.

Tanging ang mga ito ang tangan ko sa aking paglalakbay.

Subukin mo itong kunin, aalpas ang hiyas ng tapang at paninindigan.

Lalaban kung kinakailangan.

Makikidigma...

 

Magtatagumpay.


Posted at 03:20 pm by ismaelfisco
Comments (4)