<Ngumunguya ng bubblegum…>
Matataas na mga punong kahoy na natatakpan ng madidilim na ulap.
Ito ang larawan ng pangarap.
Patuloy ako sa pagtakbo sa ilalim niyon.
Walang katapusang pagtakbo.
Nauuhaw ako.
Maya-maya'y matitisod. Madadapa.
Pero babangon din. Magpapatuloy...
Nagmamadali ang lahat ng mga tao.
Nagtatakbuhan na tila mahuhuli sa byahe patungo sa kung anong dimensyon.
Gusto ko silang sabayan.
Subalit magkakaiba kami ng bilis.
Nang haba ng mga paa.
Nang mga sandata.
Nang mga bigat na hinihila...
Maralita ako kung tawagin.
Salat sa kayamanan.
Hindi sa dunong at prinsipyo.
Tanging ang mga ito ang tangan ko sa aking paglalakbay.
Subukin mo itong kunin, aalpas ang hiyas ng tapang at paninindigan.
Lalaban kung kinakailangan.
Makikidigma...
Magtatagumpay.
Posted at 03:20 pm by ismaelfisco
 |  |  |
len May 30, 2008 11:01 AM PDT
nagustuhan ko ang entry na ito kuya.. siyang tunay na sa buhay,.. marami tayong pangarap.. ngunit gaya ng laging sinasabi.. ang buhay ay hindi simpleng pangarap lamang.. may tunggalian at paglaban.. kaya naman ang ating lakas at paninidigan ay nagtatagpo.. at sa huli kinikilala natin ang ating pagtatagumpay sa iba't ibang larangan dahil ang Diyos ang siyang ating sandigan at kaibigan!
i like this one!
Patuloy sa maalab na paglilingkod! magmultiply ka na kuya ha... |
 |

 |  |  |
len May 30, 2008 09:56 AM PDT
magustuhan ko ito kuya.. kork.. tayo ay maraming pangarap... tayo ay magkakaiba.. tayo ay may kanya-kanyang maaaring maiambag sa iba't ibang larangan ng ating buhay...
ang buhay ay hindi isang simpelng pangarap lamang, may tunggalian at paglaban.. ngunit sa huli tayo ay nagtatagumpay dahil nakakatagpo natin ang ating kalakasan at paninidigan na siyang ipinunla ng Diyos! |
 |

 |  |  |
ismac February 4, 2008 08:04 AM PST
Hi tchr arleen, salamat po sa mayamang pagbabahagi ng iyong dunong. So touching... |
 |

 |  |  |
te arleen February 2, 2008 09:42 AM PST
ismac...
ang buhay ng tao'y isang pagkakataon
sumasayaw , tumatakbo sa isang landasin
marami ang nahahamon nagiging matatag
marami rin ang nanghihina at di na pumapalag
Subalit ang buhay ay isang biyaya
Mula sa lumikha sa iyo ‘y ipinagkatiwala
Pusong may pag-ibig at pananampalataya
Sa Dios, buhay mo’y gawing biyaya
Maaring sa ngayon mundo’y walang katiyakan
Maraming katanungan puno ng agam-agam
Subalit BUHAY ang DIOS, sa kanya ka manangan
Gawing gabay at tanglaw bituing niyang nagnining-ning....
Continue to be a blessing...
|
 |